ARTICLE
Paano Maghanda
Para sa Interview
By: Samantha Caparas
Maaring nakakatakot at nakakakaba ang isang job interview kahit para doon sa mga may karanasan na at ilang beses nang sumalang sa interviews. Lahat nang mga sumasalang sa isang interview ay nararapat na maging handa na sumalang sa interview upang hindi mapag-iwanan ng ibang sasalang rin.

Subalit, dapat palaging isipin na pagkapasa mo ng iyong resume, alam na ng employer mo na kaya moa ng posisyon na ina-applyan mo sa kanilang kompanya. Alam na nila ang inyong mga karanasan at kakayanan kaya sa pagsalang mo sa interview, ngayon mo dapat ipakita ang iyong personalidad at kung paano mo dalhin ang iyong sarili sa isang propesyunal na kapaligiran.

Basahin ang artikulo ng grupo of experts sa FastJobs para malaman ilang tips na maaring sundin upang maiwan ka ng isang magandang impresyon sa inyong employers.
Bago ang Interview nararapat lamang na gawin ang sumusunod:

1. Manaliksik

Ito ang pinakauna at pinaka importanteng hindi dapat makalimutan ng mga naghahanap ng trabaho. Dito mo dapat gamitin ang iyong kakayanang mag research tungkol sa iyong kompanyang ninanais makapasok sa trabaho. Alamin mo lahat ng kaya mong alamin tungkol sa kompanyang ina-aapplyan mo. Tungkol sa paano nagsimula ang kompanya, sa mga may-ari, sa magiging amo mo, sa kung paano ang kanilang working environment at higit sa lahat sa kung paano nila hina-handle ang klase ng trabaho na nais mo makuha. Wala ka dapat nalalaman na "sobrang pananaliksik tungkol sa trabaho." Ang pananaliksik ay isa ring paraan upang matantiya mo kung gusto mo nga talaga ang ganyang klaseng trabaho.
2. Pag-isipan mo ang mga karaniwang tanong at magsanay kang sagutin ito

Pag-isipan mo ang ilang mga tanong na sigurado itatanong sa iyo ng taga-interview, at isipin mo na rin kung paano mo sila sasagutin. Ilan sa mga maaring itanong ay kagaya nito:

"Tell me about yourself."
"Why did you apply here?"
"Why did you leave your last job?"
"Where do you see yourself in five years?"
"What salary range are you expecting?"


At iba pa. ito ang malimitang karaniwang tinatanong ng mga job-interviewers at kapay may hand aka nang sagot para ditto, mababawasan ang kaba at alalahanin mo kapay may hand aka nang sagot sa mga tanong na ito.
3. Ugaliing mag praktis.

Kapag hindi ka pa masyadong tiwala sa kasanayan mo sa pakikipag-ugnayan, magsanay ka. Wala namang problema sa pagiging tahimik sa mga social situations, pero sa interview, dapat marunong kang magsalita. Mas maigi na nagsasalita ka at nagpapaliwanag nang husto kaysa sa isa't-dalawang pangungusap lang ang mga sinasagot mo sa nag-i-intervew sa iyo. Sa labas ng resume mo at sa mga rekomendasyon ng reference mo, kung paano mo ipakilala at ipresenta ang sarili mo ang pinakamabisang paraan para masuring mga taga-interview ang ugali mo, kaya mahalaga na marunong kang makipag-ugnayan nang maigi.
4. Maghanda ng lubusan isang araw bago ang iyong interview.

Kung kinakabahan sa maaaring kalalabasan ng interview, paghanda ito sa mga araw bago ang mismong interview. Ihanda ang damit na susuotin sa job interview ang pag isipan kung angkop ba ito upang makapagbigay ng mabuting na impresyon sa iyong sarili.

I-print mo na ang iyong resume/CV, at kung ano pa mang mahalagang dokumento para sa interview. Isang araw bago ng interview mo, pag-aralan mo na ruta ng iyong pag- commute at kung gaano kalubha ang traffic na madadaanan mo. Dapat pilitin mong dumating nang maaga. Sa paghanda mo sa mga maliliit na detalye para sa araw na iyon ay makakatulong sa iyo na isipin na walang kakaiba sa araw ng interview mo.
5. Pagaanin ang loob.

Mas higit kang maaapektuhan at kakabahan kung mahina ang tiwala mo sa iyong sarili. Kapang kinakabahan bago ang interview, subukan na iklaro ang iyong isipan at mag pokus. Huminga ka ng malalaim, o pansinin mo nang masinsinan ang mga tunog sa sanlibutan, at bawat beses na may pumasok na negatibong saloobin sa utak mo, bumalik ka sa pagpokus sa mga tunog na pinakamalapit at pinakamalayo sayo. Isa sa pinakamalking tulong upang matapos ang interview ng may magandang impresyong naiwan sa interviewer ay kung paano mo dalhin ang iyong sarili. Dapat kalmado ka sa harap ng mga nakakabalisa at nakakatarantang sitwasyon. Palaging isipin na ang bawat interview na iyong pagdadaanan ay isang pagkaktaon upang ikaw ay mas matuto. Kaya parating ibigay ang iyong best at maghanda ng mabuti.
Habang nasa interview, ito ang ilan sa mga maari mong gawin:

1. Huwang ma-late.

Dapat 10-15 minuto bago ang iyong scheduled interview ay nakarating ka na sa lugar. Kadalasan ay handan na ang iyong interviewers bago paman ang scheduled appointment na ibinigay sayo.
2. Alamin ang interviewer's name, spelling at kung paano bigkasin.

Kapag alam mon a ito, gamitin mo ito habang ikaw ay ini-interview. Nakakdagdag ito sa impresyon para sa interviewers mo na kilala mo sila at nag research ka talaga tungkol sa kompanya at sa kaniya. Mag-iiwan ka ng impresyon na ikaw ay interesado talaga sa trabaho pati na rin sa kompanya at iyong mga maaring maging makatrabaho.
3. Maging handa sa iyong sariling tanong tungkol sa kompanya.

Walang mali sa pagkakaroon ng listahan ng mga tanong para sa kanila dahil nagpapkita ito na interesado ka talaga sa kompanya at nag research ka sa organisasyon at iyong posisyon.
4. Batiin ang interviewer with a handshake (kung maari) at isang ngiti.

Nagpapakita ito na may galang ka sa mga nakakkataas na posisyon sa iyo. Hindi masam ang panatilihin ang stare-contact sa kanila ngunit iwasan lamang na magmukha kang mayabang.
5. Mag focus at making ng mabuti sa interviewer.

Mag focus sa iyong kakayanan at iyong karanasan and kung gaano ka kainteresadong matuto. Huwang humingi ng tawad sa iyong lack of experience at siguraduhin na maipapakita moa ng iyong kakayanan sa kung ano ang maari mong gawin upang mas bumuti ang kopanya at organisasyon.

Siguraduhin din na ikaw ang nakikinig sa interviewers at naiintindahan ang mag sinasabi nila. Kung hindi, huwang matakot na magtanong upang maging klaro kapag may hindi masyadong naintindihan.
6. Siguraduhing tinatapos moa ng interview sa isang positibo at masayahing paraan.

Magtanong kung ano ang susunod na dapat gawin ang pasalamatan ang iyong interviewer sa interes na ipinakita sa interview ninyo. Umalis ng may galang at ngiti.

#FastTip
Alam nyo ba na may libreng
resume builder sa FastJobs?
Do You Want To Learn More?
Hear about the latest tips and tricks in your career - job hunting, resumes and more! And no spam, of course.
© 2022. FastJobs Philippines Inc. All rights reserved.

For more information you can contact us at customercare@fastjobs.ph

Made on
Tilda