Ang mga employers ay interesado at gustong malaman kung ikaw ba ay aktibong nag research talaga tungkol sa kanilang kompanya, o narinig mo ba ang posisyon na may hiring tungkol sa mga recruiter, o inirekomenda ba ito ng iyong kakilala. Sa madaling salita, gusto nilang malaman kung paano mo sila nakilala o nalaman.
Kung inirekomenda ito sayo, siguraduhing banggitin ang pangalan ng nag rekomenda ng posisyon sa iyo. Huwa ipagpalagay na alam na nila kung sino ang nagrekomenda nito sa iyo. Banggitin mor in kung paano mo nakilala yung nag rekomenda ng posisyon sa iyo at sabihin mo kung bakit ka nagging interesado sa posisyon.
Kung ikaw mismo yung nakahanap nito, siguraduhin na ipag-alam kung ano yung nakahuli ng interes mo sa posisyon at maari mo ring iugnay ang iyong values sa buhay sa kung ano ang core values ng kompanya. Dapat makumbinsi mo ang interviewer kung bakit mo pinili ang kanilang kompanya kesa sa ibang mga kompanya na maari kang mag-apply.
At panghuli, kung ikaw ay ni-recruit lamang, ipaliwanag mo kung bakit tinanggap mo ang offer. Nakaakma ba ito sa direksyon na gusto mong tahakin sa iyong career? Sa palagay mo ba ang posisyon na ito ay magandang oportunidad para ikaw ay mag grow? Kahit hindi ka pamilyar sa kompanya bago ang recruitment, dapat masigasig ka sa iyong mga nalaman at tapat sa iyong interes kung bakit ninais mong tumuloy sa proseso ng pag-apply.