ARTICLE
8 Mahahalagang Gabay sa Paghahanap ng Trabaho
By: Jessica Balagtas
Paano nga ba makakahanap ng tamang career path para sa iyo? Marami ang nagsasabi na importante na makahanap ka ng magandang trabaho ngunit malimitan lamang ang gumagabay at nagsasabi sa iyo kung paano ka magkakaroon nito.

Sa paghahanap ng trabaho, ang pagkakaintindi mo sa kung paano pinapalakad ang kompanya, kanilang company values, kung ano ang kapaligiran sa trabaho at ang mga maari mong matanggap na compensation ay isang malaking tulong din upang malaman mo kung ano ang posisyon na akma sa iyong career goals. Sa artikulong ito, tinanong namin ang grupo ng experto sa FastJobs para magbibigay ng ilang mga mahahalagang gabay upang malaman mo kung ano ang i-kokonsidera mo at magsisilbing gabay sa iyong paghahanap ng trabaho.

1. Company History
Hindi man natin malalaman kung ano ang mangyayari sa hinaharap, magkakaroon parin tayo ng sapat na ideya sa kung gaano ka stable ang isang kumpanya, kung ano ang kanilang work ethics, values at kultura sa pamamagitan ng pag-alam natin sa kung ano ang history ng kompanya. Maari mo itong malaman sa pamamagitan ng panonood ng mga interviews nila, sa kanilang website at social media accounts. Ito ang ilan sa mga maari mong alamin:

  • Gaano na ba katagal ang kompanya sa larangan ng negosyo?
  • Lumalago ba ang kompanya o palugi na?
  • Ano ba ang lamang ng kompanya na iyan sa ibang kompanya na nasa industriya?
  • Gaano ba kadalas nagtatanggal na employees ang kompanya?
  • May balita na ba sa kung nasangkot ba ang kompanya sa legal o financial troubles

Ang mga gugustuhin mong malaman ay naka depende parin sa kung ano ang iyong sitwasyon. I-ayon mo ang iyong mga nanaising malaman sa kung ano ang nais mong magkaroon.
2. Company Values
Minsan hindi mo mararamdaman na isang trabaho ang iyong trabaho kung ang mga career goals mo at ng iyong kompanyang pinagtatrabahuan ay naka linya at iisa. Kapag ikaw ay naghahanap ng mga potential na kompanyang pagtatrabahuan, alamin mo rin kung ano ang values ng kompanyang ito at kung ito ba ay naka linya sa iyong mismong values sa buhay. Alamin mor in ang kanilang company mission, core values at business model. Maraming mga kompanya na sumusuporta sa mga charitable organizations o mga komunidad na nangangailanagn ng tulong. Kung ikaw mismo ay gusto mong tumulong hindi lamang sa pamilya mo kundi pati na rin sa mundo, maari mo itong ikonsidera.

3. Lokasyon ng Trabaho at Working Hours
Ang oras ng trabaho ay malimitang iba't iba sa isang kompanya at sa isa pa kaya dapat alamin mo rin kubng ano ang oras ng trabaho na angkop sa iyo. At kagaya ng pag konsidera mo sa iyong oras ng trabaho, dapat mo rin ikonsodera ang iyong lokasyon sa kompanya dahil na rin sa iyong oras para mag commute. Para na rin alan mo kung paano mo paplanuhin ang iyong oras sa pamilya at trabaho.
4. Alamin ang mga Benepisyo
Importante na alam mo kung ano ang mga benepisyong handog ng kompanyang nanaisin mong pasukan. Isang pinaka importanteng dapat mabigay ng kompanya sa kanilang empleyado ay ang health insurances. Maari mo rin alamin kung mayroon ba silang retirement services kuyng ang iyong plano ay manatili ng pangmatagalan sa kompanya.

5. I-Update ang Resume
May mga oportunidad na biglang dumarating. Mas madali itong makukuha kung laging handa at madaling maipapadala ang resume. Gumawa ng kopya na madaling baguhin kung kinakailangan. Tingnan ang mga halimbawa ng ibang resume upang magkaroon ng mga gabay at bagong ideya.
6. Ilagay ang mga Listahan ng Reperensya
Magkaroon ng listahan kasama ang pangalan, trabaho, kompanya, at numero ng pipiliin na tao upang madali nilang malaman ang iyong background. Sa gayon, mas mapapadali ang pagtanggap nila sa iyo

7. Maging Handa
Gumawa ng isang pormal na e-mail address upang mapanatiling organisado ang iyong account dahil hindi ito mahahalo sa personal na mga mensahe. Ilagay ang numero ng iyong cellphone sa iyong resume upang madaling makatanggap ng feedback mula sa kompanya.
8. Gumamit ng mga Social Networking Sites at Job Search Engines.
Ipaalam sa iba kung nangangailangan ng panibagong trabaho. May posibilidad na naghahanap din sila ng mga aplikante. Tiyak na matutulungan at mabibigyan ng pagkakataon ang isa't isa. Maaari nang makita ang iba't ibang mga kompanya at asosasyon na naghahanap ng mga aplikante sa sandaling oras lamang. Ibigay ang iyong e-mail address upang makatanggap ng mga job alerts mula sa kanila.
Mabagal, mahirap, at mailap para sa ibang tao ang paghahanap ng trabaho. Bumibilang ito ng maraming oras, araw, o buwan bago mahanap ang ninanais na trabaho. Kaakibat nito ang matiyaga at masikap na pag-uugali upang makamit ito.

#FastTip
Nagbabalak na mag-apply?
Apply sa FastJobs gamit isang tap lang!
Do You Want To Learn More?
Hear about the latest tips and tricks in your career - job hunting, resumes and more! And no spam, of course.
© 2022. FastJobs Philippines Inc. All rights reserved.

For more information you can contact us at customercare@fastjobs.ph

Made on
Tilda